Umabot na sa hindi bababa sa PHP171 milyon ang pinsalang dulot ng El Niño sa agrikultura sa dalawang probinsya sa Bicol, ayon sa regional Department of Agriculture office.
Hinikayat ng Anti-Red Tape Authority ang pagbubukas ng electronic business one-stop shop sa lahat ng local government units sa rehiyon ng Bicol, hindi lamang para sumunod sa batas kundi para palakasin ang lokal na ekonomiya.
Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay bumisita sa Renal Dialysis Center ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City at nag-donate ng PHP150 milyon para sa pagbili ng isang magnetic resonance imaging (MRI) machine.
Mga residente sa Sagada, Mountain Province nangangambang maubusan ng tubig sa tindi ng init ng panahon dahil ang kanilang pangunahing suplay ng tubig ay mula lamang sa bukal.
Ang Camarines Sur Disaster Risk Reduction and Management Council ay nag-deklara ng “blue alert” para sa kanilang emergency operation center upang ipatupad ang mga hakbang na protektahan ang publiko laban sa epekto ng matinding init sa bansa.