Nauna nang inanunsyo ng Office of the President ang pagbibigay ng PHP50 milyon na cash assistance para sa mga apektadong residente ng Negros Occidental.
Kasama sa tulong ang pamamahagi ng mga binhi ng palay, mais, at high-value crops, gayundin ang feeds para sa livestock at fingerlings para sa mga mangingisda.
Ayon kay Marcos, ang adbokasiyang ito ay mahalaga sa pagpapatibay ng kakayahan ng bansa na makaangkop at makabangon mula sa mga sakunang dulot ng matinding panahon.
Ang pondo ng DA ay gagamitin para sa crop at livestock inputs, pagsasaayos ng mga pasilidad, at tulong pinansyal o kagamitan para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, prayoridad ng kagawaran ang kaligtasan at kapakanan ng mga guro, mag-aaral, at non-teaching personnel sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.