Ayon sa Pangulo, ang Pag-IBIG Fund ay patunay ng maayos na pamamahala at dedikasyon sa pagtulong sa mga miyembro nito sa pabahay at pinansyal na serbisyo.
Sa ilalim ng Handog ng Pangulo job fairs, daan-daang kumpanya ang nagbukas ng pinto para sa libo-libong aplikante. Mahigit 2,000 ang agad na nagkaroon ng trabaho.