PHP12 milyon halaga ng pagkain at gamit ang ipinamahagi ng DSWD sa Ilocos Region bilang suporta sa relief operations ng mga LGU na tinamaan ng habagat at Super Typhoon Carina.
Ayon sa Presidential Communications Office, lahat ng ahensya ng gobyerno ay alerto sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Carina at habagat, partikular na sa mga mahihirap maabot na lugar.