Sa kabila ng mga hamon ng buhay, patuloy pa ring sumisibol ang pag-asa sa Negros Oriental! Ang mga bagong titulo sa lupa na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nagpapatunay: walang imposible sa pag-abot ng pangarap. 💪
Abangan ang pagbabalik ng biyahe sa San Fernando Airport! May plano ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union na buksan muli ang mga domestic commercial flights upang suportahan ang turismo at biyahe mula Norte Luzon patungo sa Visayas at Mindanao.
Suporta para sa mga Magsasaka ng Kape! ☕ Sa tulong ng Department of Agriculture, magpapalawak ang grupo ng mga magtatanim ng kape sa Tagbina, Surigao del Sur ng kanilang marketing at produksyon.
Nagbibigay ng bagong pag-asa ang BFAR-5 sa mga mangingisda sa Bicol! Sa tulong ng SAAD program, tinutulungan natin silang mas mapalakas ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng food processing at marketing. 🌊
Malugod na tinanggap ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ang mga hakbang para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.