Nagpasalamat ang Department of Migrant Workers sa gobyerno ng Singapore dahil sa kanilang pagsusumikap na protektahan ang mga overseas Filipino workers sa Singapore ngayong Friendship Week.
Binigyang-diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang kahalagahan ng kooperasyon ng buong pamahalaan sa agarang pag-abot ng relief goods at serbisyo sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad sa buong bansa.
Sa unang kalahati ng 2024, higit 3.7 milyong mahihirap na senior citizens sa buong bansa ang nakatanggap na ng kanilang social pension, ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao.
Ayon sa Presidential Communications Office, naghahanda na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa kanyang ikatlong SONA sa susunod na linggo.
Sa pagpaplano ng pagpapalawak ng Bigas 29 Program sa labas ng Metro Manila, nanawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee kay Pangulong Marcos Jr. na isama ang 'Kadiwa Agri Food-Terminal Act' bilang prayoridad na panukala sa ikatlong Regular Session ng ika-19 na Kongreso.
Pinapalawig ng NCIP ang kanilang suporta sa mga katutubong komunidad sa pamamagitan ng "Hapag Katutubo" Project upang matulungan silang maging mas sapat.
Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang tiwala na ang House of Representatives ay naglatag ng grandiyosong entablado para sa makasaysayang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.