PHP27 bilyon ay inilalaan ng Kagawaran ng Budget at Management upang tuparin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na linisin ang mga hindi pa nababayarang claims para sa Health Emergency Allowance ng ating mga healthcare workers.
Ngayong taon, pinapalapit ng Department of Health (DOH) ang abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) centers.
Nananawagan ang Civil Service Commission sa mga interesadong magtrabaho sa pampublikong sektor na tingnan ang kanilang Job Portal sa csc.gov.ph/career.
Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2025 National Expenditure Program na gagamitin ng Kongreso bilang batayan sa General Appropriations Bill.
Sa pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., naglaan ang DSWD ng mahigit PHP1.37 bilyong cash assistance para sa mga magsasaka, mangingisda, at kanilang mga pamilya na naapektuhan ng El Niño.
Sa tulong ng AGRI Party-list at PhilHealth, mas mapapalawak natin ang kaalaman tungkol sa mga benepisyong pangkalusugan para sa ating mga magsasaka, mangingisda, at buong sambayanang Pilipino.