Ang Department of Human Settlements and Urban Development ay magsasagawa ng pagbabago sa mga patakaran para sa mga developer, buyer, at homeowners groups upang mas mahusay na mapagsilbihan ang publiko habang nilalabanan ang kakulangan sa pabahay sa bansa.
Pinuri ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagsasabatas ng Tatak Pinoy Act, na aniya’y magpapatibay sa mga pagsisikap ng gobyerno na lumikha ng trabaho para sa mga Pilipino.
Simula sa susunod na buwan, tatanggap na ng mas mataas na buwang diskwento sa mga bilihan ang mga senior citizens at mga PWDs na nagkakahalaga ng 500 pesos.
Mga mambabatas sa House of Representatives nitong Miyerkules, sinabi na ang mga biyahe sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nagdulot na ng konkretong benepisyo sa ekonomiya ng Pilipinas.
Nag-donate ang South Korea ng 750 metriko tonelada ng bigas sa pamahalaan ng Pilipinas upang suportahan ang ilang lugar sa bansa na naapektuhan ng nagdaang mga kalamidad.
Sumang-ayon na ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Agriculture kasama ang Department of Trade and Industry, sa kasunduang fisheries subsidies ng World Trade Organization.
Tiyak ang mas malaking bahagi ng national budget para sa mga lokal na pamahalaan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglaan ng mas marami para sa mga proyektong mahalaga sa pagpapaunlad ng Sustainable Development Goals.
Balita mula sa Pag-IBIG Fund! Ayon sa kanilang pahayag nitong Martes, umabot sa 6.55 porsiyento ang regular savings dividend rate at tumaas naman sa 7.05 porsiyento ang Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings noong 2023.