Nakatanggap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng imbitasyon para sa isang state visit sa India, para sa usaping depensa, agrikultura at imprastraktura.
Ang Climate Change Commission ay nagtulungan kasama ang Opisina ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda at ng Asian Institute of Management upang palakasin ang liderato ng mga kababaihan laban sa climate change.
Nag-partner ang Anti-Red Tape Authority at Australia sa business process management upang matulungan ang Pilipinas sa pagpapabuti ng mga proseso ng gobyerno.
Ang Department of Human Settlements and Urban Development ay nagpadala ng mga opisyal sa mga grassroot level upang makipag-ugnayan at makahikayat ng mas maraming kasosyo, lalo na ang mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatayo ng mga pabahay sa bansa.
Ang Armed Forces and Police Savings and Loans Associations, Inc. ay nag-donate ng 10 power generator sets sa Philippine Navy, na ipapadala sa mga istasyon ng bansa sa West Philippine Sea.
Nakatanggap si Senador Cynthia Villar ng Human Rights Award mula sa United Nations Association of the Philippines sa kanyang mga hakbang laban sa kahirapan at kalusugan.
Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. idineklara ang Hulyo 17 bilang “National Cardiopulmonary Resuscitation Day,” upang palakasin ang pambansang kalusugan ng mga Pilipino.
Ayon sa National Irrigation Administration, nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagtatayo ng mas matataas na dams bilang “long-term solution” sa problema sa suplay ng tubig.