Ngayong taon, naglaan ang DOLE ng PHP1.9 bilyon para sa Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers at PHP89 milyon para sa DOLE Integrated Livelihood Program sa Ilocos Region.
Abangan ang Pasay City project sa ilalim ng 4PH Program! Layong mapabuti ang mga komunidad sa NCR sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga informal settlements, sabi ng DHSUD.
Abangan ang pag-akyat ng bagong pasilidad na nagkakahalaga ng PHP300 milyon sa Bicol Regional Hospital and Medical Center sa Daraga, Albay, upang mapabuti ang medical access para sa mga kababaihan at bata.
Nakakatuwang balita para sa ating mga kababayan sa Pangasinan! Sa pamamagitan ng "Kadiwa on Wheels", nakapag-generate na tayo ng PHP14-milyon na benta mula Setyembre 2022.
Napagkalooban ng tulong pinansyal mula sa gobyerno ng bansa ang 5,000 barangay tanod mula sa ikalimang distrito ng Maynila sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.
Malaking hakbang ang ginagawa ng Pangasinan Salt Center sa Bolinao! Ito ay magiging mapagkukunan ng 4,180 bags ng 50-kilo agricultural grade salt fertilizer para sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan, at Central Luzon sa ilalim ng Philippine Coconut Authority (PCA).
Nagkaroon ng "earthquake preparedness survival talk" ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology para sa mga opisyal ng impormasyon sa Quezon City noong Lunes. Binigyang-diin ang kanilang kritikal na tungkulin sa pagbibigay ng kaalaman sa publiko ukol sa ganitong mga pangyayari.