Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mahigit 50,000 small sugarcane farmers at laborers sa Negros Island Region matapos maapektuhan ng red-striped soft scale insect infestation.
Kinilala ang karapatan ng 160 pamilya sa Cebu City sa mga housing lot sa pamamagitan ng certificates na naglalapit sa kanilang pangarap na permanenteng tahanan.
Ibabalik ng DepEd Schools Division of Antique ang Tubig Time program bilang bahagi ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga estudyante laban sa extreme heat.
Nakatanggap ng registered rice seeds at biofertilizers ang mga farmers associations sa Negros Occidental sa ilalim ng Binhi sang Probinsya program ng lalawigan.
Nagsimula ang Department of Trade and Industry ng fiber mapping sa Negros Oriental bilang bahagi ng mga hakbang para suportahan ang lokal na industriya.