Ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang buong tiwala sa 'Pacific Partnership 2024' na makakatulong sa mga nasa laylayan ng lipunan at magtataguyod ng seguridad sa rehiyon.
Ang TESDA ay nakikipagtulungan sa pribadong sektor, akademya, at iba pang ahensya ng gobyerno upang magtatag ng TVET (technical and vocational education and training) Industry Board na magpapalakas sa pagsasanay at empleyabilidad ng mga nagtapos.
Pumirma ang DepEd ng memorandum of agreement kasama ang Khan Academy upang gamitin ang educational technology para tulungan ang mga mag-aaral sa Pilipinas, lalo na sa larangan ng matematika.
Upang mapadali ang mga gawain ng mga pampublikong guro, plano ng DepEd na magdagdag ng mga administrative staff ngayong nagsimula na ang taong panuruan 2024-2025.
Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi nagkaroon ng kakulangan sa supply ng gulay, isda, at bigas matapos ang enhanced southwest monsoon at Super Typhoon Carina.
Ipinahayag ni Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. na palalawakin ng Pilipinas ang mga "maritime cooperative activities" kasama ang Japan, Australia, at iba pang kaalyadong bansa.